Pahayag ni Pope Francis sa same-sex âcivil unionâ hindi pa doktrina ng Simbahang Katoliko
Matibay ang paninindigan umano ng Simbahang Katolika laban sa ‘same sex marriage’ ngunit iginagalang naman nila ang dignidad ng mga ‘homosexuals’.
AFP Photo/Alberto Pizzoli
Pahayag ni Pope Francis sa same-sex ‘civil union’ hindi pa doktrina ng Simbahang Katoliko
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Personal na opinyon lamang umano ni Pope Francis ang binitiwang pahayag sa ‘civil union’ ng same-sex couples at hindi pa isang opisyal na doktrina ng Vatican.

“Wala pang sinasabi ang Vatican na iyon ang stand ng Simbahan. The Pope said it in his interview, pero wala pang technical at legal na sinasabi ang Simbahan tungkol rito,” pahayag ni Fr. Francis Lucas, pangulo ng Catholic Media Network sa pahayag ng DZBB.

Tinutukoy ni Lucas ang sinabi ng Santo Papa sa dokumentaryong “Francesco” na kailangang magkaroon ng mga ‘civil union law’ ang mga bansa para mabigyan ng proteksyong legal ang ‘same sex’.

Matibay ang paninindigan umano ng Simbahang Katolika laban sa ‘same sex marriage’ ngunit iginagalang naman nila ang dignidad ng mga ‘homosexuals’. 

Maaaring maging bukas naman umano ang Simbahang Katoliko sa ‘same-sex civil unions’ lalo na sa usaping legal ngunit hindi ang pagkakasal sa simbahan.

POPE FRANCIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with