Solon hinatulan ng guilty sa graft
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Guilty ang ibinabang hatol kahapon ng Sandiganbayan kay dating Local Water Utilities Administration Acting Chairman at ngayo’y 1st District Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay Jr. kaugnay ng kasong graft at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials.

Dahil dito, si Pichay ay nahaharap sa anim na taon hanggang 10 taong pagkakakulong at diskuwalipikasyon sa paghawak o pagtakbo sa anumang posisyon sa gobyerno.

Ang kaso ay nag-ugat may ilang taon na ang nakalilipas matapos aprubahan ni Pichay ang paglalabas ng P1.5-M pondo para sa 2nd Chairman Prospero Pichay Jr., Cup International Chess Championship.

Si Pichay nang mangyari ang insidente ay dati ring presidente ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Sinabi ng Ombudsman na si Pichay ay may pinansyal at material na interes sa transaksyon dahil ang perang ipinalabas para sa iniisponsoran nitong torneo ay pag-aari ng gobyerno.

GRAFT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with