AFP general ‘di magso-sorry kay Liza
MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command chief Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na wala siyang balak na humingi ng paumanhin sa aktres na si Liza Soberano sa isyu ng “red-tagging”.
Kamakalawa ay hinimok ni Parlade si Soberano na itigil ang kanyang pagsuporta sa women’s group na Gabriela.
Nabatid na lumabas si Soberano sa webinar ng Gabriela Youth na may titulong “Mga Tinig ni Nene: Reclaiming Our Voices on the International Day of the Girl Child.”
Ayon kay Parlade dapat malaman ni Soberano ang totoong agenda ng party-list group.
Sinabi ni Parlade na nakatanggap pa siya ng tawag mula sa abogado ni Soberano at nagpapasalamat ito sa kaniya at ang pamilya ng aktres.
Dahil dito, sa tingin ng opisyal ay wala umano siyang dapat na ihingi ng paumanhin sa aktres.
- Latest