Duque, Morales inirekomenda ng House panel na kasuhan sa PhilHealth anomaly
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inirekomenda ng House panel na isama sa mga sasampahan ng kasong kriminal at admi­nistratibo sina Health Secretary Francisco Duque at dating PhilHealth pre­sident Ricardo Morales kaugnay ng malawakang korapsyon sa ahensiya.

“Yung kay Secretary Duque, dalawa ‘yung case na nakapailalim sa loob ng report,” nakasaad sa draft ng panel report ng House Committee on Public Accounts. Si Duque bilang Health Secretary ang chairman ng nasabing ahensya.

Nakasaad sa 65-pahinang rekomendasyon ng nag-leak na report na, bukod kina Duque at Morales pinakakasuhan din sina PhilHealth Executive Vice President Arnel de Jesus, Senior Vice Presidents Israel Francis Pargas, Renato Limsiaco Jr. at Rodolfo del Rosario.

Gayundin sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Budget Secretary Wendel Avisado bilang mga miyembro ng PhilHealth board at iba pang company officials at board members.

Ayon sa komite, maaaring magdesisyon ang mga kongresista na sampahan ng kaso sa kanilang personal na kapasidad ang mga opisyal na nasasangkot sa anomalya sa ahensya.

Gagawin umano nila ang paghahain ng kaso “individually”.

 

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with