Nagka-COVID sa bansa hataw sa higit 365,000; patay halos 7,000 na
Nakikipag-usap ang doktor na ito sa isang COVID-19 patient sa Gonesse hospital sa Gonesse, Francse, ika-22 ng Oktubre, 2020
AFP/Christophe Archambault
Nagka-COVID sa bansa hataw sa higit 365,000; patay halos 7,000 na
James Relativo (Philstar.com) - October 23, 2020 - 4:00pm

MANILA, Philippines — Bago magsara ang ika-32 linggo ng community quarantine sa Pilipinas, muli na namang nadagdagan ang ang kaso ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, Biyernes. 

Umabot na kasi ito sa 365,799 ngayong araw matapos maitala ang 1,923 panibagong kaso — bagay na produkto ng testing na isinagawa sa 4.24 milyong katao.

Gayunpaman, nasa 13 laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kanilang mga test results nitong Huwebes, dahilan para hindi masama sa pinakabagong talaan.

Natagpuan ang mayorya sa new cases sa sumusunod na lugar:

  • Davao City (99)
  • Cavite (94)
  • City of Manila (94)
  • Quezon City (92)
  • Negros Occidental (89)

Sa mga bilang na nabanggit, 46,193 ang sinasabing aktibong kaso, o yaong mga infected pa rin ng virus at hindi pa pumapanaw mula rito.

Patay naman na sa kinatatakutang sakit ang 6,915 katao matapos maidagdag ang 132 iba pa.

Gayunpaman, maigi na ang pakiramdam ng 424 karagdagang kaso, bagay na nag-aakyat sa total local recoveries sa 312,691.

Kahapon lang nang aminin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na malaki-laki ang nabawas ang kanilang testing capacity simula nang itigil ng Red Cross ang COVID-19 testing nito bunsod ng P930 utang ng PhilHealth.

Pero giit ng Red Cross, dapat ay mabayaran muna ito ng buo ng gobyerno bago mag-resume sa operations.

"They should pay the whole amount. Because that’s difficult. We’ll be left in the air. They’ll pay in half, leaving a balance of half a billion pesos — what will happen? That amount is going to increase again," ani Sen. Richard Gordon, na chairperson din ng PRC.

"I don’t understand that. They tell us that they have the money. Why don’t you pay us?"

Dahil sa hindi pagbabayad ng gobyerno, sinabi ni Gordon na kalahati ng ng kanilang technicians ang hindi na pumapasok ng trabaho.

Sa ngayon, pumalo na sa 41.1 milyon ang nadadali ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO). 1.12 milyon na sa kanila ang binawian ng buhay.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with