Liza, Catriona binalaan ng AFP
Batay sa nakasaad sa NTF-ELCAC Facebook page, sinabi ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na kahit hindi pa kasapi ng New People’s Army ang aktres ay dapat dumistanya na ito sa grupo.
pna.gov.ph
Liza, Catriona binalaan ng AFP
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbabala ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa aktres na si Liza Soberano sa umano’y pagkiling nito sa militanteng grupo.

Ito’y matapos na lumahok ang aktres sa online women’s right talk ng Gabriela.

Batay sa nakasaad sa NTF-ELCAC Facebook page, sinabi ni Lt. Gen. Antonio Parlade Jr. na kahit hindi pa kasapi ng New People’s Army ang aktres ay dapat dumistanya na ito sa grupo.

“Let us not red-tag Liza Soberano. It’s not fair to her. She is merely supporting advocacy for women’s rights. She has to be protected in the exercise of her rights. Is she an NPA? No, of course not. Not yet. So let’s help educate her and the other celebrity targets of Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKI­BAKA), the Underground Mass Organization hiding under Gabriela Women’s Party,” sabi ni Parlade.

Aniya, kung magpa-patuloy kasi ang pakikipag-ugnayan ni Soberano sa grupo ay posibleng matulad siya sa sinapit ni Josephine Anne Lapira na dating Deputy Secretary General ng Gabriela Youth sa UP na nasawi makaraang maka-engkwentro ang militar tatlong taon na ang nakalipas.

“Liza Soberano, there’ s still a chance to abdicate that group. If you don’t, you will suffer the same fate as Josephine Anne Lapira @ELLA, former Deputy Secretary General of Gabriela Youth of UP, Manila and defender of women’s rights, even against sexual predators amongst her comrades in the NPA unit she joined which is clearly stated in her handwritten letter addressed to a certain @EMIL,” dagdag ng opisyal.

Bukod kay Soberano, binalaan din ni Parlade si Miss Universe 2018 Catriona Gray at Ella Colmenares, kapatid ng actress na si Angel Locsin.

Matatandaang si Gray ay nagbibigay ng kaniyang mga komento sa ilang isyu sa bansa at kritiko rin ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Law.

LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with