Same-sex civil union, Ok kay Pope Francis
“Homosexual people have a right to be in a family. They are children of God and have a right to a family. Nobody should be thrown out or be made miserable over it,” ayon sa Santo Papa sa dokumentaryo na “Francesco” na inilabas nitong Miyerkules.
STAR/ File
Same-sex civil union, Ok kay Pope Francis
Danilo Garcia, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

Duterte payag din

MANILA, Philippines  — Sang-ayon ang lider ng Simbahang Katolika na si Pope Francis na dapat nasa ilalim ng proteksyon ng anumang batas sa ‘civil union’ ang pag-iisang-dibdib ng mga ‘homosexuals’ dahil may karapatan rin umano sila na magkaroon ng kanilang pamilya.

“Homosexual people have a right to be in a family. They are children of God and have a right to a family. Nobody should be thrown out or be made miserable over it,” ayon sa Santo Papa sa dokumentaryo na “Francesco” na inilabas nitong Miyerkules.

Ito ang pinakamalinaw na pahayag bilang pagsuporta ni Pope Francis sa ‘same sex marriage’ sa loob ng pitong taon.

“What we have to create is a civil union law. That way they are legally covered. I stood up for that,” panawagan pa niya.

Sinabi ni Papal biographer Austen Ivereigh na ang pahayag ni Pope Francis ay hudyat ng bagong relasyon ng simbahan sa mga miyembro ng LGBTQ.

Samantala, nakakuha naman ng back-up sa Malacañang ang Santo Papa matapos muling kumpirmahin ng Palasyo ang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kilalanin ng batas ang “civil union” ng mga pareho ang kasarian.

“The President have said it over and over again, pabor po siya sa isang batas na magri-recognize ng civil union sa mga parehong same sex relationships,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Umaasa si Roque na wala nang magiging balakid para tuluyang maisabatas ang same-sex civil unions lalo na’t aprubado ito ng Santo Papa.

Pero depende na rin aniya kung bibigyan ito ng prayoridad ng Kongreso.

Related video:

POPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with