Kilos-protesta sa kalye bawal pa â Malacañang
Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos magsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang progresibong grupo sa Mendiola kamakalawa.
STAR/ File
Kilos-protesta sa kalye bawal pa — Malacañang
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Ipinaalala kahapon ng Malacañang na hindi pa pinapayagan ang pagsasagawa ng kilos-protesta sa mga lansangan at limi­tado pa rin sa 10 ang puwedeng magtipun-tipon.

Sinabi ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos magsagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang progresibong grupo sa Mendiola kamakalawa.

Kinondena ng mga nagkilos-protesta ang mga umano’y pang-aabuso ng gobyerno partikular na ang dinanas ng political prisoner na si Reina Mae Nasino. 
Binatikos nila ang kabiguan umano ng gobyerno na masuportahan ang sektor ng mga magsasaka sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Roque, ang karapatan ng malayang pananalita ay ginagarantiyahan ng Saligang Batas pero dapat limitahan sa 10 ang mga pagtitipon sa panahon ng pandemiya.
Ipinahiwatig din ni Roque na walang ginagawa ang mga nagkilos-protesta kung hindi labanan ang gobyerno at obligasyon pa rin ng Malacañang na isalba ang mga ito kapag nagkasakit.

“Maski kayo po ay walang ginawa kung hindi labanan ang gobyerno, Pilipino pa rin po kayo at may obligasyon pa rin kaming isalba kayo kung kayo’y magkakasakit. Make it easier for everyone po, huwag pong magtipun-tipon,” ani Roque.

Naniniwala rin si Ro­que na bahagi ng 5% ng mga Filipino ang mga nagkilos protesta na hindi aprubado ang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte.

HARRY ROQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with