COVID-19 cases sa bansa 363,888 na; gumaling nadagdagan ng 843 today
Nagtratrabaho ang siyentistang ito sa mAbxience biosimilar monoclonal antibody laboratory plant sa Garin, Buenos Aires, kung saan nagdedevelop ng experimental COVID-19 vaccine ang University of Oxford at AstraZeneca laboratory, ika-14 ng Agosto, 2020
AFP/Juan Mabromata
COVID-19 cases sa bansa 363,888 na; gumaling nadagdagan ng 843 today
(Philstar.com) - October 22, 2020 - 4:20pm

MANILA, Philippines — Siyam na araw bago magtapos ang kasalukuyang quarantine classifications, patuloy pa rin sa pagdami ang tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Nadagdagan pa kasi ng nasa 1,664 ang panibagong tinamaan ng virus sa huling ulat ng Department of Health (DOH), Huwebes, bagay na nagtutulak sa mga lokal na datos patungong 363,888.

"19 duplicates were removed from the total case count. Of these, 5 recovered cases and 2 deaths have been removed," wika ng DOH ngayong araw.

"Moreover, 11 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

Sa kabila niyan, nasa siyam na laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang COVID-19 test results ngayong araw, dahilan para mangahulugang baka mas malaki pa ang mga tunay na new infections.

Mayorya ng mga bagong talang nahawaan ay nanggaling sa mga sumusunod na lugar:

  • Cavite (81)
  • Lungsod ng Malabon (76)
  • Lungsod ng Davao (76)
  • Lungsod ng Iloilo (75)
  • Lungsod ng Quezon (69)

Nasa 44,772 naman ang sinasabing "active" cases sa ngayon, na tumutukoy oras na tanggalin mo sa equation ang mga namatay at gumaling na mula sa karamdaman.

Hindi naman pinalad ang nasa 38 pasyente matapos mai-report na namatay na sila habang nakikipaglaban sa pathogen. Dahil diyan, nasa 6,783 na ang namamatay sa sakit.

Sumampa naman na sa 312,333 ang gumagaling sa COVID-19 sa Pilipinas, patuloy ng DOH. 'Yan ay mas malaki ng 843 kumpara sa mga datos na inilabas ng kagawaran nitong Miyerkules.

Napag-alaman ang mga sumusunod na datos matapos maisailalim sa masusing COVID-19 testing ang nasa 4.21 milyong katao sa Pilipinas.

Samantala, kinumpirma naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nade-delay ngayon ang paglabas ng ilang COVID-19 results dahil sa pagtigil ng Philippine Red Cross sa kanilang serbisyo sa kanila. 'Yan ay bunsod pa rin ng P930 milyong utang ng PhilHealth sa PRC. #COVID19PH 

Una na kasing naisiwalat na nabawasan ng 20% ang testing capacity ng bansa dahil sa pagkakaantala ng nasabing tests.

"We recognize that fact. Hindi po tayo magkakaila na talagang malaki po ang contribution ng [PRC] sa ating daily outputs," ani Vergeire sa mga reporter kanina.

"Makikita po natin na malalaki po talaga ang mga laboratoryo nila, 'yung kanilang kapasidad, and it's distributed across the different areas of the countries. So yes, we were affected by the stopping of the operations of the Philippine Red Cross."

Sa ngayon, meron nang 11 government facilities na tinukoy ang DOH para tanggapin ang mga specimen na na manggagaling sa iba't ibang lugar na kailangang ma-test, maliban pa sa ibang pribadong laboraties na nagpahiwatig nang tutulong sa pamahalaan.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tiyak namang mababayaran ang pagkakautang sa nasabing pribadong grupo, ngunit kakailanganin pa nila ng karagdagang oras.

Sa ngayon, umabot na sa lampas 40.7 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa daigdig. Sa taya ng World Health Organization (WHO), 1.12milyon na ang namamatay sa kanila sa naturang sakit.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with