Libreng wifi, pagsusukat ng damit pwede na uli sa malls
Kabilang ito sa mga bagong patakaran na ipinatutupad na ngayon sa ilang malls kasunod na rin nang pagluwag ng mga restrictions na ipinatutupad ng pamahalaan.
AFP
Libreng wifi, pagsusukat ng damit pwede na uli sa malls
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinapayagan na ang pagkakaroon ng libreng wifi, malamig na aircon at maging pagsusukat ng damit sa loob ng mga malls.

Kabilang ito sa mga bagong patakaran na ipinatutupad na ngayon sa ilang malls kasunod na rin nang pagluwag ng mga restrictions na ipinatutupad ng pamahalaan.

Bukod dito, pinapayagan na rin ang mga senior citizens na pumasok sa loob ng mga mall habang pinahihintulutan na ang pagbebenta ng mga alak.

Matatandaang dati ay mahigpit na ipinagbawal ng pamahalaan ang mga naturang patakaran upang mapigilan ang publiko na magtungo sa malls, na bahagi ng protocols para maiwasan ang hawahan ng COVID-19.

Tiniyak naman ng mall owners at management na kahit pa inaasahan na nilang darami ang mga costumer sa malls dahil sa pagluwag ng restrictions ay handa sila at may mga nakahandang protocols para matiyak na hindi magkakaroon ng virus transmission.

Maging ang mga seniors ay pinayagan na ring makapag-shopping.

Kahit sa mall wide sale ay handa rin umano sila, at hinihintay na lamang ang go signal ng pamahalaan kung kailan nila ito maaaring maisagawa.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with