Cayetano iimbestigahan sa nagastos sa 2019 SEA Games
Ayon kay peaker Lord Allan Velasco, kung may mambabatas na maghahain ng House Resolution upang paim-bestigahan ang umano’y isyu ng korapsyon sa SEA Games ay kanila itong aaksyunan.
AFP/Ted Aljibe
Cayetano iimbestigahan sa nagastos sa 2019 SEA Games
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Handa si Speaker Lord Allan Velasco na imbestigahan ang kontrobersyal na pagho-host ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian (SEA) Games noong Dis­yembre 2019.

Ayon kay Velasco, kung may mambabatas na maghahain ng House Resolution upang paim-bestigahan ang umano’y isyu ng korapsyon sa SEA Games ay kanila itong aaksyunan.

Ang 2019 SEA Games na ini-host ng bansa ay pinondohan ng P6 bil­yon kung saan si dating House Speaker Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano ang Chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC).

Una nang bumuo ng 7-man panel si Ombudsman Samuel Martires para imbestigahan ang umano’y pumalpak na pagho-host ng Pilipinas sa SEA Games.

Lumutang ang mga alegasyong katiwalian nang magkaroon ng sunud-sunod na aberya sa pagdating ng mga de-legado ng naturang kumpetisyon.

Bukod dito ay mismong mga atletang Pinoy ang nagreklamo sa hindi magandang akomodasyon kabilang na ang tinipid na pagkain sa venue pero bongga naman ang gastos sa mga itinayong pasilidad para sa 30th SEA Games.

Mayorya rin ng mga opisyal na bumubuo sa Philippine Olympic Committee Executive Board ay humihingi ng report mula sa PHISGOC kung paano ginasta ang bilyong pondo sa SEAG. 

SEA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with