Piloto sa nag-crash na PNP chopper kakasuhan
Ayon kay Philippine National Police spokesperson Col. Ysmael Yu, ito ang resulta ng im­bes­tigasyon ng Special Investigation and Task Group (SITG) Bell 429 sa pangunguna ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar.
Philippine Star News Service
Piloto sa nag-crash na PNP chopper kakasuhan
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dahil sa pagpanaw ni dating PNP Director for Comptrollership Major Gen. Jose Maria Ramos, nahaharap naman sa kasong administratibo ang piloto ng nag-crash na chopper ng PNP sa San Pedro, Laguna noong Marso 5, 2020.

Ayon kay Philippine National Police spokesperson Col. Ysmael Yu, ito ang resulta ng im­bes­tigasyon ng Special Investigation and Task Group (SITG) Bell 429 sa pangunguna ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

“An administrative case of Grave Misconduct (Reckless Imprudence Resulting in Serious Phy-sical Injuries, Multiple Less Serious Physical Injuries and Damages to Pro-perty under Article 365 of the Revised Penal Code) was already filed against the Pilot-In-Command before the Internal Affairs Service in September 2020,” naka­saad sa complaint.

Dagdag naman ni Yu na ang mga kaso ay sisilipin pa ng Office of the Chief of Police.

Sinabi ni Yu na bahagi ng protocol sa isang piloto na i-check ang lugar at paligid para sa pag-take off.

“There were some lapses in judgment on the part of the Pilot-In-Command that include underestimating the capability of the aircraft,” ani Yu.

Matatandaang puma­naw na si Ramos kamakalawa ng umaga matapos ang pitong buwang pagkaka-comatose. Isa si Ramos sa mga biktima ng insidente sa bumagsak na chopper kasama si dating PNP chief Gen. Archie Gamboa, dating PNP Spokesman  Bernard Banac at iba pa.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with