âSoft invasionâ ng mga Chinese sa Pinas pinababantayan
Ayon kay Sen. Francis “Kiko” Pangi­linan, mismong ang Bureau of Immgiration (BI) ang umamin na nasa 4 milyong Chinese ang pumasok sa bansa mula 2017 hanggang 2020 na karamihan ay nakalusot dahil sa pagbabayad o “pastillas scam.”
The STAR/Geremy Pintolo
‘Soft invasion’ ng mga Chinese sa Pinas pinababantayan
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Matapos maalarma sa 4 milyong Chinese na dumating sa Pilipinas simula noong 2017, kinalampag ni Sen. Francis “Kiko” Pangi­linan ang Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na imbestiga-han ang “soft invasion” ng mga ito sa bansa.

Ayon kay Pangilinan, mismong ang Bureau of Immgiration (BI) ang umamin na nasa 4 milyong Chinese ang pumasok sa bansa mula 2017 hanggang 2020 na karamihan ay nakalusot dahil sa pagbabayad o “pastillas scam.”

Sa pagdinig sa Sena-do, nabunyag na may tuma­­tanggap ng P10,000 kada Chinese sa BI na ang pera ay ibinabalot sa papel upang magmukhang pastillas.

Kinuwestyon ni Pangi­linan kung nasaan na nga-yon ang nasa 4 milyong Chinese at kung binabantayan ba ang kanilang kilos sa gitna ng isyu sa West Philippine Sea.

Hindi anya dapat ipagwalang bahala ang nasabing bilang ng mga nakapasok na Chinese.

Ayon pa kay Pangili-nan, ang pagtanggi ng gobyerno na pigilan ang pagpasok ng mga Chinese nationals noong Enero kung kailan nagsisimula na ang pandemic ang dahilan kung bakit patuloy ang pagtaas ng bilang ng COVID-19.

BI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with