Swab testing ng Red Cross pinababalik ng Malacañang
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Dahil nangako naman si Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran ang utang ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), igigiit ng Malacañang sa Philippine Red Cross (PRC) na ituloy na ang pagsasagawa ng RT-PCR o swab testing lalo na sa mga OFWs.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may pangako naman ang Pangulo kaya walang dahilan para itigil ang testing.
Sabi ni Roque, inaayos na lamang ang kuwenta dahil hindi dapat pareho ang sinisingil ng Red Cross o ng anumang pasilidad kung ang mga machines na ginamit sa testing ay mga donasyon.
Dapat aniya ay may “price differential” kung donasyon din ang testing kits na ginamit sa swab test.

“There’s a price diffe-rential if the machine being used by the testing facility was donated, and there is also a price differential if the testing kits being used were also donated,” dagdag ni Roque,

Isa aniya ang Red Cross sa benepisyaryo ng mga nasabing machines at testing kits.

Hindi aniya dapat na P3,500 ang sinisingil o kuwenta sa lahat ng isinagawang test.

Nauna rito, nangako ang Malacañang na ma­babayaran kaagad ang kalahati ng P930 milyon na utang ng PhilHealth sa PRC upang magtuluy-tuloy ang RT-PCR o swab tes-ting.

OFW
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with