4K OFWs naiipit sa Metro Manila
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na naghihintay ang mga OFWs na maisailalim sila sa COVID-19 test para makauwi na sa kani-kanilang mga bayan at probinsya sa piling ng kanilang pamilya.
STAR/ File
4K OFWs naiipit sa Metro Manila
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

Dahil sa natigil na swab testing ng Red Cross

MANILA, Philippines  — Umaabot na umano sa 4,000 OFWs na napabalik sa bansa ang kasalukuyang naiipit ngayon sa Metro Manila makaraang itigil ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang COVID-19 testing dulot ng malaking utang ng pamahalaan.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na naghihintay ang mga OFWs na maisailalim sila sa COVID-19 test para makauwi na sa kani-kanilang mga bayan at probinsya sa piling ng kanilang pamilya.

Kasalukuyang nasa 300 OFWs ang umuuwi sa bansa na kailangan munang manatili sa mga ‘quarantine facilities’ habang naghihintay ng swab tests. Dahil sa pagtigil ng PRC sa kanilang testing, mapatatagal ang pananatili nila sa mga quarantine facilities ng hanggang isang linggo mula sa da­ting tatlo hanggang apat na araw.

“You can just ima­gine how many OFWs are now stranded in all the hotels in Metro Manila... The sooner this issue of payment is resolved, the better for our OFWs, and the better for the finances of our government,” ayon kay Bello.

Inaasahan ng DOLE na nasa 100,000 pang OFWs ang uuwi sa bansa sa mga susunod na buwan.

PRC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with