âForced laborâ sa Pinas sa mga bilanggong Chinese ibinisto
Sa kanyang liham kay Chinese Ambassador Huang Xilian na may petsang Oktubre 20, hiniling ni William Espinosa, group convenor na linawin ang seryosong isyu at maging patas sa pagtrato sa mga manggagawang Pilipino.
STAR/ File
‘Forced labor’ sa Pinas sa mga bilanggong Chinese ibinisto
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Hiniling ng grupong Kilos Pinoy Para sa Pagbabago (KPPP) sa embahada ng China na tingnan ang ulat na nagpadala ang kanilang bansa ng mga bilanggong Tsino para sumailalim sa ‘forced labor’ sa mga proyektong nakopo ng kanilang mga kontraktor sa Pilipinas.

Sa kanyang liham kay Chinese Ambassador Huang Xilian na may petsang Oktubre 20, hiniling ni William Espinosa, group convenor na linawin ang seryosong isyu at maging patas sa pagtrato sa mga manggagawang Pilipino.

Lumabas ang usapin sa ginawang pagdinig sa Senado kaugnay sa pagkakatuklas na 45 porsiyento ng mga manggagawa sa proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Binondo-Intramuros Bridge project ay pawang mga Tsino o Chinese workers habang 31 porsiyento naman nila ang gumagawa sa Estrella Pantaleon project.

Nakasaad pa sa liham ng KPPP na bagama’t isa sa layunin ng pamahalaan sa isinulong na Build, Build, Build program ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapagkalooban ng trabaho ang mga manggagawang Pilipino at maiangat ang ekonomiya ng bansa, sa nangyayari aniya ay mukhang hindi mga manggagawang Pinoy ang nabibigyan dito ng pabor.

Ang higit pa anilang nakakabahala ay ang ulat na pawang mga bilanggong Chinese ang ipinapadala ng mga kompanya sa Pilipinas upang magtrabaho na kung totoo ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng International Labor Organization.

DPWH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with