Police general sa chopper crash pumanaw na
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Ysmael Yu, si Ramos ay kabilang sa sakay ng PNP Bell 429 nang bumagsak ito sa Laguna noong Marso kasama ni dating PNP chief General Archie Gamboa.
STAR/ File
Police general sa chopper crash pumanaw na
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Matapos ang pitong buwang pagkaka-comatose, pumanaw na si dating PNP comptrollership chief Major Gen. Joevic Ramos, ang police official na kasama sa bumagsak na chopper sa Laguna noong Marso.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Ysmael Yu, si Ramos ay kabilang sa sakay ng PNP Bell 429 nang bumagsak ito sa Laguna noong Marso kasama ni dating PNP chief General Archie Gamboa.

Si Ramos, 55, ang lubhang nasugatan at nagtamo ng head injury sa pagbagsak ng chopper nang magtake-off ang helicopter sa San Pedro, Laguna. Sumabit sa kable ng kuryente ang elisi ng helicopter.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PNP sa mga naulila ni Ramos.

Kasama din sa helicopter sina Intelligence chief Major General Mariel Magaway, dating PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, aide, technician at dalawang piloto.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with