Go sa PhilHealth: Bayaran ang utang sa Red Cross!
(Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Kinalampag ni Senator Christopher “Bong” Go ang Philippine Health Insu­rance Corp. (PhilHealth) na bayaran nito ang mga obligasyon o pagkakautang sa Philippine Red Cross.

Sinabi ni Go na ang nasabing usapin ay patunay kung gaano karesponsable sa paghawak ng pampublikong pondo ang ahensiya.

“Paalala ko lang po: Hindi dapat maapektuhan ang testing capa­city natin. Hindi natin gusto na madagdagan pa ang pinapasan ng mga kababayan nating kailangang gumastos para sa COVID-19 testing, katulad ng mga OFWs, returning individuals, medical frontli­ners at iba pa,” ayon kay Go.

Ayon sa senador, kina­kailangang makipagtulu­ngan ang PhilHealth sa Red Cross para mabayaran na ang dapat na mabayaran alinsunod sa kung ano ang naaayon sa batas.

Bilang tagapangulo ng Senate committee on health, inalok ng senador ang sarili upang maging tagapamagitan sa concerned parties para maresolba na ang isyu.

Kinilala ni Sen. Go ang Red Cross na napakala­king tulong lalo ngayong panahon ng pandemya kaya napakahirap kung ito ay naiipit dahil hindi nababayaran ng gobyerno.

PHILHEALTH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with