COVID-19 cases sa Pilipinas tuloy sa paglobo sa 360,775
Sumusunod sa physical distancing at health protocols kontra COVID-19 habang lumalahok sa huling misa ng Plaza Miranda, ika-28 ng Agosto, 2020
The STAR/Miguel de Guzman, File
COVID-19 cases sa Pilipinas tuloy sa paglobo sa 360,775
James Relativo (Philstar.com) - October 20, 2020 - 4:01pm

MANILA, Philippines — Bagama't bumaba ang arawang dagdag, tuloy-tuloy pa rin ang pagpasok ng panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa mga panibagong datos ng Department of Health, Martes.

Ayon sa gobyerno, nasa 360,775 na ang tinatamaan ng kinatatakutang sakit sa bansa. Mas marami 'yan ng 1,640 kumpara sa inilabas na datos ng gobyerno kahapon.

Mula riyan, 43,443 ang sinasabing aktibong kaso pa rin, o yaong mga hindi pa nagre-recover o namamatay dahil sa COVID-19.

Nakuha ang mga naturang bilang matapos makapagsagawa ng COVID-19 testing sa mahigit-kumulang 4.16 milyong katao. Sa kabila niyan, 15 laboratoryo pa ang 'di nakapagsumite ng resulta nitong Lunes.

Sabi ng DOH, nagmula sa mga sumusunod na lugar ang kalakhan ng mga kasong naidagdag ngayong araw:

  • Cavite (86)
  • Lungsod ng Quezon (86)
  • Batangas (69)
  • Bulacan (62)
  • Lungsod ng Maynila (61)

Sa kasamaang-palad, binawian ng buhay ang 17 karagdagang kaso mula sa virus, dahilan para umakyat na sa 6,690 ang kabuuang COVID-19 death toll sa bansa.

Sa kabila niyan, 'di hamak na mas marami naman ang gumagaling. Sumatutal, 310,642 na ang gumagaling mula sa sakit simula nang makapasok ang virus mula sa Wuhan, China.

Kagabi lang nang tiyakin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mababayaran ng gobyerno ang P930 milyong utang sa Philippine Red Cross, dahilan para matigil ang COVID-19 tests na kanilang ginagawa na sasaluhin dapat ng PhilHealth.

Pero ayon kay Digong, hindi ito agad-agad na mababayaran lahat.

Sinasabing nasa 4,000 overseas Filipino workers tuloy ang sinasabing stranded dahil sa problemang 'yan.

Basahin: Duterte: PhilHealth's P930 million debt to Red Cross will be paid but 'will take time'

May kaugnayan: Red Cross coronavirus testing halt leaves 4,000 OFWs stranded

Kasalukuyang nasa 39.94 milyon na ang nahawaan ng virus sa buong mundo, ayon sa mga huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, 1.11 milyon na ang patay. — may mga ulat mula kay The STAR/Alex Romero

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with