âLong COVID-19â kinumpirma ng DOH
Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang ‘long COVID’ ay ang pananatili ng mga sintomas ng COVID-19 na nararamdaman ng isang dating pasyente kahit na ganap na siyang nakarekober sa sakit tulad ng ‘long headaches’, nahihirapan na matulog, may ‘chest pain’ lalo na sa mga may edad 50-anyos pataas.
pna.gov.ph
‘Long COVID-19’ kinumpirma ng DOH
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

Nakarekober na, sintomas ramdam pa

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nakararanas rin ang mga Pilipino na nakarekober sa virus ng tinatawag na ‘long COVID’ na kalat rin sa iba’t ibang bansa.

Ipinaliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang ‘long COVID’ ay ang pananatili ng mga sintomas ng COVID-19 na nararamdaman ng isang dating pasyente kahit na ganap na siyang nakarekober sa sakit tulad ng ‘long headaches’, nahihirapan na matulog, may ‘chest pain’ lalo na sa mga may edad 50-anyos pataas.

“Yung laging pagod na pagod, lost of taste and smell na siyang pinakamatagal na bumalik. Pinag-aaralan ito sa ngayon kung saan kinoko­lekta ang mga impormasyon sa mga individuals expe­riencing these symptoms,” sabi ni Vergeire.

Ang resulta ng pag-aaral ay ilalagay umano sa isang ‘study’ para magkaroon ng sapat na mga ebidensya dito sa Pilipinas na nararanasan rin sa ibang lugar sa mundo.

Pinayuhan ni Vergeire ang mga pasyente na tinukoy nang mga ‘recovered’ ngunit nakararanas nito, na iulat ito sa kanilang mga lokal na health officials na magsasagawa ng ‘passive monito­ring’ sa kanila at kukuha ng mga datos.

Pinag-aaralan din ng DOH ang ulat na tumatagal ng siyam na oras ang virus sa ibabaw ng balat mula sa bagong pag-aaral ng mga eksperto sa Japan.

Patunay lamang umano ito na kailangang ugaliin ng publiko ang ‘minimum health standards’ lalo na kung luma­labas ng bahay at kung uuwi ay huwag munang makihalubilo sa mga kasamahan sa bahay bagkus ay maligo muna para maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with