Velasco binalewala ang bantang kudeta ni Cayetano
Iginigiit ni Cayetano na bagito si Velasco at bukod dito ay maraming sikat na personalidad sa Kamara na posibleng ihalal para maluklok sa puwesto ng Speaker.
Senate PRIB, file | Lord Allan Jay Velasco/Facebook
Velasco binalewala ang bantang kudeta ni Cayetano
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagbanta umano ng kudeta si Taguig –Pateros Rep. Alan Peter Cayetano at aabutin lamang umano ng isang linggo ang pamumuno ni Speaker Lord Allan Velasco sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Iginigiit ni Cayetano na bagito si Velasco at bukod dito ay maraming sikat na personalidad sa Kamara na posibleng ihalal para maluklok sa puwesto ng Speaker.

“Sa tingin ko po ay hindi mangyayari yang kudeta kung meron mang kudeta. Kasi naka-break po kami hanggang November 16,” pahayag naman ni Velasco na kumpiyansa na magtatagal ang kaniyang liderato basta’t nasa tamang landas ang tinatahak nito.

Sa katunayan, ayon pa kay Velasco ay higit pang lumakas ang kaniyang suporta na nasa 286 mambabatas na mula sa iba’t-ibang partido pulitikal.

“That comprises already 95% of the members of the House. Kaya natutuwa po ako at nagagalak after everything happened nagkakaisa na po ang Kamara,” saad ni Velasco.

Anya pa, ang prayoridad ng Kamara sa ilalim ng kaniyang liderato ay kabuhayan sa panahon ng COVID-19 pandemic, ayuda sa mga kababayang apektado ng krisis, kalusugan, pagkain at edukasyon.

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with