Pagbabayad ng SSS contribution extended hanggang Nobyembre 30
Ang contribution payments mula January 2020 hanggang September 2020 ng mga self-employed, voluntary, at non-working spouse (SE/VM/NWS) members at household employers para sa kanilang empleyado ay maaari ring magbayad hanggang Nob. 30.
STAR/File
Pagbabayad ng SSS contribution extended hanggang Nobyembre 30
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Extended hanggang Nobyembre 30 ang pagbabayad ng monthly contribution ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) at mga employer na hindi nakapag-settle ng kanilang overdue contribution sa mga nagdaang buwan dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang mga employers at miyembro ng SSS na hindi nakapag-remit ng kontribusyon mula February 2020 hanggang October 2020 ay maaaring mag-remit hanggang Nob. 30 ng walang penalty.

Ang contribution payments mula January 2020 hanggang September 2020 ng mga self-employed, voluntary, at non-working spouse (SE/VM/NWS) members at household employers para sa kanilang empleyado ay maaari ring magbayad hanggang Nob. 30.

Ang mga employers na may SSS-approved installment proposals ay binibigyan ng palugit hanggang Nob. 30 na magdeposit ng kanilang post-dated checks na may due mula March 2020-October 2020.

Ayon sa SSS, dahil holiday ang Nob. 30 ay maaari silang magbayad sa susunod na working day.

Ayon kay SSS President at CEO Aurora C. Ignacio, ang extension ay alinunsod sa  Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act.

Hiniling ni Ignacio sa SSS-covered employers at miyembro na huwag nang hintayin pa ang deadline at mas maganda kung magbayad na ng maaga.

SSS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with