Amyenda sa nat’l budget labag sa batas - Lacson
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nanindigan ang ilang senador na labag sa batas ang pag-amyenda sa General Appropriations Bill (GAB) matapos ang pag-apruba sa ikatlong pagbasa ng Kamara kahit pa ang mga ahensiya ng gobyerno ang magsumite ng pagkakamali nito.

Paliwanag ni Sen. Panfilo Lacson, malinaw ang nakasaad sa Article VI, Section 26 ng konstitusyon na walang exemptions kapag naaprubahan na sa ikatlong pagbasa kaya hindi na pinapayagan ang mga pag-amyenda dito.

Iginiit pa ni Lacson na wala rin sinasabi ang konstitusyon na kapag naghahabol ng “errata”  ay hind ito applicable at iginiit na ang dahilan ng House Appropriations committee para sa pag-amyenda na mula sa mga ahensiya ng gobyerno ay mali.

Ayon sa senador, ang four phase budget process ay eksklusibo lang sa hurisdiksyon ng Kongreso at ang ehe­kutibo lang ang naghahanda at nagpapatupad nito.

Para naman kay Sen. Kiko Pangilinan, na kapag mayroon silang correction o intervention sa budget matapos ang third reading ay dapat sa bicam pinag- uusapan at hindi sa errata lalo na kung  ito ay napakalaki ng halaga.

Nauna nang sinabi ni House Appropriations chairman Eric Yap na ang mga ahensiya ng gobyerno at departamento at hindi silang mga kongresista ang magsasagawa ng amendment sa inaprubahang panukalang budget.

PANFILO LACSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with