_ngayon
^

Bansa

Maraming pulis ipapakalat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Sa paglabas ng mga tao

MANILA, Philippines  — Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) na magpakalat ng maraming pulis dahil sa inaasahang pagtaas ng bilang ng mga lalabag sa quarantine rules ngayong mas marami na ang papayagang lumabas.

Sinabi ni Joint Task Force on CoViD at PNP Deputy Chief for Administration  Lt. Gen. Guillermo Eleazar, malaking hamon sa kanila ang pagbabago sa restrictions na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) kaya’t kaila­ngan ang bagong sistemang ilalatag ng kapulisan.

Sa bagong desisyon ng IATAF, papayagan nang makalabas ng bahay ang mga edad 15 hanggang 65 kasabay ng pagbawi ng gobyerno sa nanghihinang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya ng CoViD-19.

Sa unang restriction, ang mga edad 21 pababa, 60-anyos pataas, buntis at mayroong mga immunodeficiency, comorbidity o may health risks problem ay dapat na manatili lamang sa bahay.

Sinabi ni Eleazar mahalaga na may koordinasyon sa mga local go­vernment unit at bagong  estratehiya ang mga police commanders kung paano mapanatiling maipatupad ang social distancing o quarantine rule dahil inaasahang mas marami ng tao ang nasa kalsada ayundin sa pagpapatupad ng curfew.

“We should work on the concept that more people would violate the quarantine rules so the challenge is to come up with measures to compel them to abide with these rules,” ani Eleazar.

Nanawagan din si Elea­zar sa publiko na ma­ging maingat at panatilihin ang paggamit ng facemask at face shield para sa kanilang proteksiyon.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with