_ngayon
^

Bansa

Panukalang gawing ‘fintech center’ ang Pinas sa Asya isinulong

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Nakahain ngayon sa Kamara ang isang panukalang batas ang “Blockchain Technology Development Act” (House Bill 7864) na layong ga­wing ‘financial technology (fintech) capital’ sa Asia ang Pilipinas.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, House Ways and Means Committee chairman, ang ‘Blockchain technology’ na kumikilala sa “cryptocurrency,” ay ligtas na paraan ng pagpasa ng impormasyon sa pagitan ng dalawang terminal. Pinasisimulan ng isang partido ang transaksiyong ito sa pamamagitan ng paglikha ng ‘block’ o hadlangan.

Paliwanag ni Salceda, ang “’blockchain technology’ ay hindi lamang tungkol sa ‘cryptocurrency’ gaya ng ‘bitcoin’ kundi buod ito ng isang paraan ng sadyang ligtas na pagtago, pag-ingat at pagtugma sa kasalukuyan ng mga talaan o rekord kaya mahirap, kung hindi man imposible na sila’y dayain.

Sa pamamagitan ng ‘blockchain,’ dagdag niya, inaasahang higit na magiging mababa ang gastos sa pagpapadala ng pera at iba pang serbisyo sa pananalapi para sa mga Pilipino.

“Sadyang ligtas ang Blockchain at laging abot-kamay ang mga rekord, kaya napakahalaga nito sa mga programa gaya ng ‘National ID system,’ pangangasiwa sa PhilHealth at pamumudmod ng mga tulong at benepis­yong pangmamamayan,” sabi pa ni Salceda.

FINTECH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with