P4.5 trilyon budget âdi sisingitan ng âporkâ - Velasco
“We are making sure there is no pork in the said budget,” pahayag ni House Speaker Lord Allan Velasco.
STAR/ File
P4.5 trilyon budget ‘di sisingitan ng ‘pork’ - Velasco
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Pinawi ni House Speaker Lord Allan Velasco ang mga pa­ngamba na singitan ng ‘pork’ ang P4.506 trilyong 2021 national budget ng pamahalaan.

Sa botong 267 pabor at anim na tutol ay pormal na naaprubahan sa ikatlo at pinal na pagbasa ang General Appropriations Bill (GAB) nitong Biyernes ng gabi, ang huling araw ng ipinatawag na special session ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“We are making sure there is no pork in the said budget,” pahayag ni Velasco.

Una nang tiniyak ni ACT –CIS Partylist Rep. Eric Go Yap, chairman ng House Committee on Appropriations na hindi ‘pork’ ang isisingit sa amyenda kundi ang mga pondo ng mga ahensya na nangangailangan ng karagdagang alokasyon tulad ng Department of Health (DOH) para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Ayon pa kay Velasco, kabilang din sa mga dapat matugunan ay ang hindi pantay-pantay na pondo na nakalaan para sa distrito ng mga Kongresista na isa sa mga naging dahilan na ‘word war’ at hindi pagkakaunawaan ng ilang mambabatas.

Kabilang sa mga ahensya na makakatanggap ng mataas na alokasyon ay ang DepEd, P754.4 bilyon; DPWH, P667.3 bilyon; DILG, P246.1 bilyon ; Defense, P209.1 bilyon; DOH, P203.1 bilyon; DSWD, P171.2 bilyon; Transportation, P143.6 bilyon; Agriculture, P66.4 bilyon; Judiciary, P43.5 bilyon at DOLE, P27.5 bilyon.

LORD ALLAN VELASCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with