Mga bawal sa MGCQ tanggal na sa ânew normalâ
Sa Laging Handa online press briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na kailangan lamang sundin ang minimum health standards pero wala ng mga bawal.
STAR/ File
Mga bawal sa MGCQ tanggal na sa ‘new normal’
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi na ipatutupad ang mga “restrictions” sa ilalim ng modified gene­ral community quarantine (MGCQ) sa mga lugar na ilalagay sa “new normal” o post-community quarantine.

Sa Laging Handa online press briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na kailangan lamang sundin ang minimum health standards pero wala ng mga bawal.

Sinabi pa ni Malaya na bagaman at wala ang kumpletong datos, ang isang lugar na walang community quarantine ang ilalagay sa new normal na kategorya.

Samantala, pinayuhan ni Malaya ang publiko na hintayin ang anunsiyo ng Joint Task Force COVID Shield para malaman kung ano na ang mga lugar na wala ng travel authority at alin ang mga kaila­ngan lang magpakita ng travel authority.

Ginawa ni Malaya ang pahayag matapos ma­tanong kung kaila­ngan pa ng travel autho­rity ng isang tao mula sa Metro Manila na nasa ilalim ng general community quarantine na pupunta sa lugar na nasa MGCQ katulad ng Laguna.

Sa Inter-Agency Task Force No. 79, ang mga non-APOR o hindi kasama sa Authorized Persons Outside of Re­sidence ay maaari na ring bumiyahe para sa leisure activities upang mapasigla ang turismo.

MGCQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with