Magnitude 5.4 lindol yumanig sa Occidental Mindoro
Ayon sa Phil. Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs) ang sentro ng lindol ay nasa may 023 kilometro timog kanluran ng Looc, Occidental Mindoro.
PHIVOLCS
Magnitude 5.4 lindol yumanig sa Occidental Mindoro
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Niyanig ng 5.4 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro kahapon ng alas 4:06 ng umaga.

Ayon sa Phil. Institute of Volcanology and Seismoloy (Phivolcs)  ang sentro ng lindol ay nasa may 023 kilometro timog kanluran ng Looc, Occidental Mindoro.

Tectonic ang ugat ng lindol at may lalim na 033 kilometro sa lupa.

Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 4 sa  Abra de Ilog, Occidental Mindoro; at Tagaytay City.

Intensity 3 sa Mamburao, Occidental Mindoro; Muntinlupa City; Makati City; Quezon City.

Intensity 2 sa Marikina City; Malabon City; Meycauayan City, Bulacan; Floridablanca, Pampanga at Intensity I sa Mauban, Gumaca, at Lopez, Quezon; Cabanatuan City; Palayan City.

Pasado alas-9 ng uma­ga kahapon, ay nakapagtala na ang Phivolcs ng pitong aftershocks at asahan pa daw ang mga aftershocks.

OCCIDENTAL MINDORO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with