Malacañang pinuri ang Kamara sa pagpasa sa 2021 national budget
“We thank the House of Representatives for passing on third and final reading the 2021 General Appropriations Bill (GAB) on time or within the special session called by President Rodrigo Roa Duterte,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Boy Santos, file
Malacañang pinuri ang Kamara sa pagpasa sa 2021 national budget
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Pinasalamatan at pinuri ng Malacañang ang House of Representatives matapos ipasa sa ikatlo at hu­ling pagbasa ang P4.5 trilyon national budget para sa 2021.

“We thank the House of Representatives for passing on third and final reading the 2021 General Appropriations Bill (GAB) on time or within the special session called by President Rodrigo Roa Duterte,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Roque na paulit-ulit na rin nilang inihayag na mahala­gang maipasa sa tamang oras ang pambansang pondo dahil nakapaloob dito ang gagamitin ng gobyerno sa COVID-19.

Umaasa ang Ma­lacañang na maipapadala kaagad ng Kamara sa Senado ang printed copy o soft copy  ng ipinasang panukala upang mabigyan ng sapat na oras ang mga senador na masuri ito.

GAB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with