Publiko binalaan sa online shopping
Ginawa ni Sen. Win Gatchalian ang babala matapos madiskubre ng EcoWaste Coalition na hayagang nag-aalok sa online ang ilang third party dealers ng mercury thermometers at sphygmomanometers na pawang may mapanganib na kemikal kaya agad nilang ipinagbigay alam sa Food and Drug Administration (FDA) at Environmental Management Bureau (EMB) na nasa ilalim ng Department of Environment and Natural resources (DENR).
Pixabay
Publiko binalaan sa online shopping
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Binalaan ni Sen. Win Gatchalian ang publiko laban sa mga produktong nabibili sa online na mayroong mapanganib na kemikal.

Ginawa ni Gatchalian ang babala matapos madiskubre ng EcoWaste Coalition na hayagang nag-aalok sa online ang ilang third party dealers ng mercury thermometers at sphygmomanometers na pawang may mapanganib na kemikal kaya agad nilang ipinagbigay alam sa Food and Drug Administration (FDA) at Environmental Management Bureau (EMB) na nasa ilalim ng Department of Environment and Natural resources (DENR).

Ang mercury thermometers ay ginagamit sa pagkuha ng temperatura ng tao habang ang sphygmomanometers ay ginagamit naman sa pagkuha ng blood pressure.

Simula noong Setyembre ng 2010 ay tinanggal na sa merkado ang mga medical device na may mercury kasunod ng isang administrative order galing sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Gatchalian na bahagi na ng buhay ng mga Filipino ang online shopping. Pero habang lu­malago aniya ang mga ganitong klaseng tran­saksyon ay naglipana naman ang mga mapanlinlang na online sellers.

DENR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with