Bong Go sa DepEd:Tiyakin, dekalidad na learning modules
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Muling kinalampag ni Sen. Christopher “Bong” Go ang Department of Education (DepEd) na lubusang tiyakin na ang maipapasang learning materials sa mga mag-aaral ay maayos at walang halong kabastusan.

Ayon kay Go, mas naaantala ang pag-aaral ng mga estudyante kung palpak ang ilang matatanggap na modules.

“I am urging DepEd to work double time. Double time po dahil ang mga bata ay naantala ‘yung kanilang pag-aaral, tapos may kapalpakan pa sa module,” ani Go.

Hinikayat din ni Go ang publiko na magsumbong kay Pangulong Rodrigo Duterte sakaling may makalusot na bastos na modules.

“Pangalawa, isinumbong ko kaagad kay Pangulong Duterte ‘yung mga bastos na module... Sa may mga bastos na gumagawa, wala kayong lugar sa mundong ito. Iyung libro po ay para sa pag-aaral, hindi po para sa kabastusan. Nagkandarapa na nga po ‘yung mga kabataan sa pag-aaral hahaluan niyo pang kalokohan,” babala ni Go.

Noong Oktubre 13 ay inihayag ni Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado M. San Antonio na kumukuha na sila ng reviewers upang tingnan ang laman ng mga SLMs. Hinikayat din ni Antonio ang publiko na i-report ang mga makikitang pagkakamali sa Public Affairs Service ng DepEd.

Hinikayat din ni Go sa mga telecommunication companies na ayusin ang kanilang serbisyo bilang tulong sa mga estudyanteng nag-aaral online.

“Hirap ‘yung mga kabataang sabay-sabay gumagamit [ng Internet]. Kami minsan nga nasa session kami, napuputol pa ‘yung connection. Paano pa kaya ’yung mga bata, lalo na ‘yung nasa bundok na lumalabas pa ng bahay? Magkakahawahan na naman. Unahin ninyo ang serbisyo before anything else. Before profit, unahin ninyo ang serbisyo sa Pilipino,” ani Go.

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with