20 pang pulis patay sa COVID-19
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Umaabot na sa 666 ang nasawing pulis sa COVID-19 matapos na 20 pa ang madagdag sa talaan.

Ayon PNP Spokesman Col. Ysmael Yu, ang nasabing bilang ay naitala mula nitong Marso hanggang dakong alas-6 ng gabi kamakalawa.

Ayon kay Yu, pumalo na sa 6,636 ang kaso ng COVID sa PNP kabilang ang nasa 50 bagong nadagdag sa talaan. Nasa 590 naman ang naka­rekober.

Karamihan sa mga pulis na nag-positibo ay mga asymptomatic o mga walang nararamdaman.

Inihayag ni Yu na sa 50 mga bagong kaso ng COVID sa PNP, 50 dito ay mula sa Police Regional Office (PRO) Cordillera; 7 sa National Capital Region Police Office (NCRPO);  tig–5 sa PRO 1 at PRO 2;  tig-4 sa National Operations Support Unit (NOSU) at PRO 3; tig-3 sa PRO 7, PRO9 at tig-1 sa National Headquarters at PRO 10.

Patuloy naman ang contact tracing ng PNP sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with