P930 milyong utang ng PhilHealth sa Red Cross, babayaran – Gierran
Ayon kay PhilHealth chief Dante Gierran, may pondo ang ahensiya para bayaran ang utang sa PRC.
STAR/ File
P930 milyong utang ng PhilHealth sa Red Cross, babayaran – Gierran
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Babayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth)  ang utang ng ahensiya na P930 milyon sa Philippine Red Cross (PRC)  hinggil sa pagsasagawa nito ng COVID-19 test para sa gobyerno.

Ayon kay PhilHealth chief Dante Gierran, may pondo ang ahensiya para bayaran ang utang sa PRC.

Kinilala rin nito ang ginawang pagtulong ng PRC sa pamahalaan hinggil sa pagkakaloob ng COVID test.

Ang pahayag ni Gierran ay ginawa nang itigil na ng PRC ang pagbibigay ng swab test sa mga dumarating na OFWs, pasahero sa airport at seaports, mga taong nangangailangan ng pagsusuri sa  government swabbing facilities, frontline health at government workers.

Sinabi ni Gierran na mayroon lamang ilang legal issues na aayusin hinggil sa kasunduan ng PRC at PhilHealth upang maisagawa na ang pagbabayad sa utang ng ahensiya sa Red Cross.

PRC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with