COVID-19 cases sa bansa pumatak na sa 351,750; bagong kaso nasa 3,139
Tine-testing ng mga manggagawa ng Sasha Collection sa Taytay, Rizal ang ginagawang "reusable" personal protective equipment (PPE), na siyang ginagamit ng mga healthcare workers laban sa COVID-19, ika-26 ng Agosto, 2020
The STAR/Michael Varcas, File
COVID-19 cases sa bansa pumatak na sa 351,750; bagong kaso nasa 3,139
James Relativo (Philstar.com) - October 16, 2020 - 4:01pm

MANILA, Philippines — Walang-humpay pa rin ang pagpasok ng mga bagong hawa ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas dalawang linggo bago magtapos ang mga kasalukuyang quarantine restrictions laban sa sakit, Biyernes.

Umabot na sa 351,750 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 3,139 cases ngayong hapon.

Pero hindi lahat ng bilang na 'yan ay may COVID-19 pa sa ngayon. Ang ilan ay gumaling na o 'di kaya't namatay na. 50,354 na lang ang nalalabing "active cases" sa mga 'yan.

"87 duplicates were removed from the total case count. Of these, 74 were recovered cases," sambit ng Department of Health sa isang pahayag.

"Moreover, 8 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

Nasa 4,052,983 na ang indibidwal na nate-test para sa COVID-19 sa Pilipinas. Sa kabila niyan, 15 laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) noong Huwebes.

Ang mga bagong cases ay nagmula primarya sa mga sumusunod na lugar, ayon sa DOH:

  • National Capital Region (1,003)
  • cavite (206)
  • Rizal (175)
  • Laguna (138)
  • Iloilo (126)

Sa kasamaang-palad, nasawi habang nakikipaglaban sa kinatatakutang sakit ang 34 pang kaso, dahilan para pumatak na sa 6,531 ang total local COVID-19 casualties.

Ligtas naman na sa panganib ang 294,865 pasyente sa ngayon. Mas marami 'yan ng 786 kumpara sa bilang kahapon.

Samantala, nagkomento naman na si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire pagdating sa utos ng Philippine Red Cross na itigil ang COVID-19 tests na ichina-charge sa PhilHealth.

"We have rerouted our specimens. 'Yung mga usual na pinapadala natin sa Red Cross ibinigay muna sa malalaking laboratoryo natin," ani Vergeire sa ulat ng Bombo Radyo.

Ilan sa mga muntikang maapektuhan ng desisyong ito ay ang maraming overseas Filipino workers (OFWs), frontline medical at government workers matapos hindi mabayaran ng state health insurer ang P930 balanse nito.

Lampas halos 38.40 na ang nadadali ngayon ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sumakabilang-buhay na ang mahigit 1.1 milyon sa kanila.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with