Ofel humina, lalabas na ngayon ng PAR
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Humina na ang bagyong Ofel habang patuloy ang pagkilos pakanluran sa may West Philippine Sea.

Si Ofel ay huling namataan ng Pagasa sa layong  275 kilometro kanluran ng Tanauan City, Batangas at kumikilos pakanluran sa bilis na 20 km bawat oras.

Taglay ni Ofel ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kph at pagbugso na 55 kph.

Ngayong Biyernes ng umaga si Ofel ay nasa layong 960 km kanluran ng Central Luzon o nasa labas na ng ating bansa.

Bago lumabas ng bansa, si Ofel ay isa na lamang Low Pressure Area.

Maaliwalas na ang panahon sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.

OFEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with