COVID-19 cases sa bansa lampas 348,000 na, patay halos 6,500
Sumusunod sa "physical distancing" ang mga commuter na ito habang nakasakay sa isang bus, ika-14 ng Setyembre, 2020
The STAR/Michael Varcas, File
COVID-19 cases sa bansa lampas 348,000 na, patay halos 6,500
James Relativo (Philstar.com) - October 15, 2020 - 4:01pm

MANILA, Philippines — Tuloy-tuloy pa rin ang trend ng pag-akyat ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa sa pagpasok nito sa ika-30 linggo ng quarantine.

Umabot na kasi sa 348,698 ang kumpirmadong kaso ng nasabing virus sa bansa matapos makapagtala ng karagdagang 2,261 cases ngayong hapon.

Sumabit na riyan ang tally ng Department of Health (DOH) matapos makapaglunsad ng COVID-19 tests sa 4.01 milyong indibidwal. Sa kabila niyan, 14 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kani-kanilang resulta, Lunes.

Kalakhan sa mga sariwang bilang ay produkto ng mga sumusunod na probinsya't rehiyon sa Pilipinas:

  • National Capital Region (566)
  • Cavite (174)
  • Pangasinan (145)
  • Northern Samar (104)
  • Quezon (98)

"99 duplicates were removed from the total case count. Of these, 77 recovered cases and 2 deaths have been removed," saad ng DOH sa isang pahayag.

"Moreover, 7 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths."

Pero hindi lahat ng bilang na 'yan ay may COVID-19 pa sa ngayon. Ang ilan ay gumaling na o 'di kaya't namatay na. 48,040 na lang tuloy ang nalalabing "active cases" sa mga 'yan.

Sa kasamaang-palad, nasawi habang nakikipaglaban sa kinatatakurang sakit ang 50 pang kaso, dahilan para pumatak na sa 6,497 ang total local COVID-19 casualties.

Ligtas naman na sa panganib ang 294,161 pasyente sa ngayon. Mas marami 'yan ng 385 kumpara sa bilang kahapon.

Samantala, inanunsyo naman ng Philippine Red Cross na ititigil muna nila ang pagsasagawa ng ilang COVID-19 tests sa bansa, matapos bigong mabayaran ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang P930 milyong balanse nito.

'Yan ang napagdesisyunan ng naturang pribadong organisasyon nitong Miyerkules, ika-14 ng Oktubre, bagay na nakikitang makaaapekto sa maraming overseas Filipino workers (OFWs), frontline medical at government workers.

Basahin: Red Cross halts PhilHealth-funded COVID tests over unpaid balance

Sa kabila nito, tiniyak naman ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. na tutugunan ng gobyerno ang nasabing problema habang kinukuhanan ng komento ang Department of Budget and Management (DBM) sa concerns ng Red Cross.

"If Red Cross will stop testing, the swab samples will be sent to Lung Center or other laboratories. But we are working this out," ani Galvez sa isang press briefing.

"Red Cross is focused on OFWs; the major consequence will be on the OFWs but our [local government units] now have their own labs."

Lampas 38 milyon na lahat-lahat ang dinadapuan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling datos ng World Health Organization (WHO). Sa kabilang banda, sumakabilang-buhay na ang 1.08 milyon sa kanila. — may mga ulat mula kay The STAR/Christina Mendez

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with