‘Ofel’ lumakas, naka-3 landfall
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  — Lumalakas ang bagyong Ofel na tatlong beses nag-landfall habang patuloy ang pagkilos sa Luzon.

Si Ofel ay namataan pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 km per hour. Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 45 kph bawat oras at pagbugso na 55 kph.

Nakataas ang signal number 1 sa Luzon kabilang ang Batangas, southern portion ng Laguna, central at southern portions ng Quezon, Calamian Islands, Occidental Mindo­ro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate kasama na ang Ticao at Burias Islands.

Higit na lalakas si Ofel oras na makarating ito sa may West Philippine Sea.

Bunga ng bagyo at habagat, patuloy na makakaranas ng maulang panahon sa Bicol Region, CALABARZON, Marinduque, Romblon, at Mindoro Provinces gayundin sa Metro Manila, Central Luzon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, at Biliran.

Ngayong Huwebes, si Ofel ay nasa layong 140km kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro. Sa Biyernes ay nasa layong 570 km kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro at sa Sabado ay nasa labas na ng bansa.

PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with