^
LPA malapit sa Guian, Eastern Samar bagyong 'Ofel' na
Litrato ng Tropical Depression Ofel
Released/PAGASA

LPA malapit sa Guian, Eastern Samar bagyong 'Ofel' na

James Relativo (Philstar.com) - October 13, 2020 - 5:23pm

MANILA, Philippines (Updated 7:09 p.m.) — Ganap nang naging bagyo ang noo'y binabantayang sama ng panahon sa malapit sa Kabisayaan, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), Martes.

Bandang 2:00 p.m. nang tuluyang maging tropical depression ang nasabing low pressure area (LPA), silangan ng Guian, Eastern Samar, Martes, ayon sa weather bureau.

Namataan ang mata ng bagyo 115 kilometro silangan ng Guian, Eastern Samar pagsapit ng 4 p.m., at nagdadala ng hanging may lakas na 45 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Meron itong bugsong aabot sa 55 kilometro kada oras at kasalukuyang kumikilos ng 15 kilometro kada oras hilaga hilagangkanluran.

"It will likely remain in tropical depression category while traversing the southern portion of Southern Luzon," ayon sa isang pahayag mula sa PAGASA.

Tinatayang lalakas pa ito at itataas sa "tropical storm" category sa loob ng 48 oras kapag dumating na ito sa West Philippine Sea.

SEVERE WEATHER BULLETIN #1 FOR: TROPICAL DEPRESSION "#OfelPH" TROPICAL CYCLONE: WARNING ISSUED AT 5:00 PM, 13 October...

Posted by Dost_pagasa on Tuesday, October 13, 2020

Dahil sa sama ng panahon, itinaas ang Tropical Cyclone Wind Signal #1 sa sumusunod na lugar (30-60 kilometro kada oras na hangin sa loob ng 36 oras):

Luzon

  • Sorsogon

Visayas

  • Northern Samar
  • hilagang bahagi ng Eastern Samar (Borongan City, San Julian, Sulat, Taft, Can-Avid, Dolores, Maslog, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)
  • hilagang bahagi ng Samar (Pinabacdao, Villareal, Talalora, Daram, Zumarraga, Calbiga, Hinabangan, Paranas, San Sebastian, Motiong, Jiabong, Catbalogan City, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao, Tarangnan, Gandara, Pagsanghan, Santa Margarita, Calbayog City, Santo Nino, Almagro, Tagapul-An)

"Today through tomorrow morning, moderate to heavy rains may prevail over Catanduanes, Masbate including Ticao Island, Albay, Sorsogon, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, and the northern portion of Leyte," patuloy ng PAGASA.

"Light to moderate with at times heavy rains will be experienced over the rest of Eastern Visayas and Bicol Region."

Makararanas naman ng minsanang pagbugso sa Sorsogon, Northern Samar, at hilagang bahagi ng Eastern Samar ng Samar, bagay na may kinalaman pa rin sa tropical depression.

Posible namang itaas ang signal no. 1 sa Albay, Icao Island at nalalabing bahagi ng Eastern Samar at Samar sa susunod na weather bulletin.
Nangyayari ang lahat ng ito habang nasa community quarantine ang buong Pilipinas laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Malapit-lapit sa Tropical Depression Ofel ang Calbayog sa Western Samar, na isa sa mga inirerekomenda ng OCTA Research team na mailagay sa mahigpit na lockdown laban sa COVID-19.

EASTERN SAMAR LOW PRESSURE AREA OFEL PAGASA TROPICAL DEPRESSION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with