DOH nakapagtala ng 1,990 pang COVID-19 patients; kaso nasa 344,713 na
Pila ng mga commuter sa isang bus stop sa Lungsod ng Caloocan, ika-1 ng Oktubre, 2020
The STAR/Michael Varcas
DOH nakapagtala ng 1,990 pang COVID-19 patients; kaso nasa 344,713 na
James Relativo (Philstar.com) - October 13, 2020 - 4:06pm

MANILA, Philippines — Umakyat uli ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa mga huling datos na inilabas ng Department of Health, Martes.

Ngayong araw ay nadagdagan pa kasi ng 1,990 ang kabuuang bilang ng nahahawaan ng nakamamatay na sakit, bagay na nag-aangat sa total local infections sa 344,713.

Humataw na sa 3.94 milyong katao ang natetest para sa COVID-19 sa Pilipinas, pero 17 laboratoryo pa ang hindi nakapagsumite ng kanilang reports, as of Oct. 12, 2020.

Natagpuan sa mga sumusunod na lugar ang pinakamaraming bagong kaso ngayong araw:

  • National Capital Region (580)
  • Cavite (114)
  • Rizal (105)
  • Laguna (100)
  • Misamis Oriental (94)

Pero kapag inawas ang mga namatay at gumaling sa COVID-19, 44,958 na lang ang matitirang aktibong kaso.

Sa kasamaang palad, patay naman ang 40 pang katao dulot ng virus. Sumatutal, nasa 6,372 na ang nasasawi mula sa SARS-CoV-2 — ang virus na nagsasanhi sa COVID-19.

Magaling na`man na sa nasabing sakit ang 293,383 katao sa ngayon. Nasa 327 na lahat-lahat ang mga recoveries sa Pilipinas sa ngayon.

LOOK: DOH COVID-19 CASE BULLETIN #213 As of 4PM today, October 13, 2020, the Department of Health reports the total...

Posted by Department of Health (Philippines) on Tuesday, October 13, 2020

Kahapon lang ng irekomenda ng mga OCTA Research team mula sa Unibersidad ng Pilipinas at Unibersidad ng Sto. Tomas na ilagay sa striktong lockdown ang tatlong bayan dahil sa pagtaas ng COVID-19 infections. Pinatatahimik sila ng Malacañang.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, sana'y manahimik muna ang research group pagdating sa quarantine status recommendations na ito, sa dahilang baka ma-"preempt" ang pagdedesisyon ng pamahalaan.

Ilan sa inidekomenda ng research team ay na mailagay sa strict quarantine ay ang Bauan, Batangas, Calbayog sa Western Samar at General Trias, Cavite.

Basahin: Palace tells UP experts to stop publicizing quarantine status recommendations

"I have requested for them to desist from making recommendations on classifications as it is really the job of experts," sabi niya sa magkahalong Inggles at Filipino.

"I understand they have one or two epidemiologists but it's still not the same number of experts working with the [Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases]."

Aniya, pwede silang mag-endorso ng mungkahi sa IATF ngunit sa pribadong kapasidad kaysa isasapubliklo.

Umabot na sa 37.42 milyon ang nadadali ng COVID-19 sa mundo. Sa mga 'yan, 1.07 milyon na ang namamatay, ayon sa World Health Organization.

DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with