Pagbangon sa pandemya ng COVID-19 at ASF, natugunan ng Quezon City- Mayor Joy
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sumentro sa pagtugon sa problema ng mga pandemya ang laman ng ikalawang ulat sa lungsod ni QC Mayor Joy Belmonte nang  humarap ito sa session ng Sangguniang Panglungsod. 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Belmonte ang malaking hamon na hatid ng coronavirus desease at African Swine Fever na nagpabagsak sa kabuhayan ng maraming residente. 

Sa kabila umano ng mga problemang ito, tumugon ang pamahalaang lokal kung saan agad itong nagbigay ng ayuda tulad ng relief goods, libreng sakay, financial assistance sa mga nawalan ng trabaho at negosyong nagsara, medical support, murang pagkain sa mga palengke, quarantine facilities at isolation areas. 

Nagbigay din ang QC LGU ng ayuda sa mga apektadong hog raiser ng ASF kung saan umabot sa milyong piso ang ibinigay na ayuda at panimulang puhunan. 

Daang libo rin na mga gadgets at modules ang ibinigay sa mga estudyante at guro para maisakatuparan ang blended learning. 

Nakapagsagawa rin  ng mahigit 60,000 na swab test ang QC LGU, pinakamaraming test na naisagawa sa buong bansa habang naitayo din ang mga molecular laboratories at dialysis center para sa mga COVID-positive patients at cancer patients. 

Kumuha rin ng 812 na mga contact tracers ang LGU na naging katuwang ng QC Health Epidemiology Unit kung saan mayroon pang inaasahang 700 na mga karagdagan. 

Dahil sa mga pagtugong ito, umabot sa 85% ang recovery rate ng lungsod habang wala pang 5% ang mortality rate. 

Sa kabila ng mga pandemyang ito, tiniyak ni Belmonte na magpapatuloy ang maayos na serbisyo ng LGU at hindi maaapektuhan ang iba pang gawaing bayan ng Quezon City. 

Sa huli, hiningi ng alkalde sa Sangguniang Panglungsod ang agarang pagpasa sa hinihingi niyang supplemental budget para tugunan ang iba pang pangangailangan. 

Nakiusap din siya sa agarang pag-apruba ng proposed city budget para sa susunod na taon upang agad maisakatuparan ang iba pang serbisyo ng lokal na pamahalaan.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with