^

Bansa

Pangako ng DENR: Milyones na dolomite 'hindi lahat tatangayin' kahit maaalon

Philstar.com
Pangako ng DENR: Milyones na dolomite 'hindi lahat tatangayin' kahit maaalon
Nakikiusisa ang mga taong ito habang pinapanuod ang pagtatambak ng durog na "dolomite" sa baybayin ng Manila Bay bilang artipisyal na while sand, ika-6 ng Setyembre, 2020
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources, Biyernes, na hindi masasayang ang kontrobersyal na pekeng "white sand" sa Manila Bay kahit na anurin nang malakas ang pampang, bagay na pinagkagastusan nang malaki ng gobyerno.

Ito ang inilahad ni Environment Undersecretary Jonas Leones kanina sa pagdinig ng Senado sa 2021 DENR budget, para masigurong hindi mapupunta sa wala ang ginasta ng gobyerno sa beach nourishment project.

"Kung permanently wash out, palagay ko hindi naman [mangyayari] dahil we have already instituted engineering works, intervention such as geotubes," ani Leones.

"Ibig sabihin kahit malakas yung [alon], doon lang sa perimeter naglalaro 'yung sand like the normal beaches."

Sa ilang ulat ng ABS-CBN, makikita kung paanong inanod ang pagkamahal-mahal na "white sand," dahilan para ma-expose na ang orihinal na mangitim-ngitim na buhangin.

Basahin: PANOORIN: Pagtatambak ng 'white sand' sa Manila Bay umarangkada

Sa kabuuang P47 bilyong Manila Bay rehabilitation program ng gobyerno, P389 milyon ang kabuuang halaga para sa nasabing white sand project.

Pero sa halagang 'yan, una nang sinabi ng DENR na P28 milyon lang mula sa P389 milyon ang iginugol para sa "dolomite" — isang uri ng bato na mukhang puting buhangin kapag dinurog. 

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na nakasasama sa kalusugan ang dolomite, ngunit kapag pinong-pino gaya ng alikabok ang pagkakadurog.

Basahin: DOH: Crushed dolomite on Manila Bay bigger than dust, won't pose health risks

May kinalaman: Fish kill sa Manila Bay pinangangambahang dulot ng dolomite 'white sand'

Pagtatambak natigil

Kasalukuyang nakahinto ang pagtatambal ng dolomite sa dalampasigan ng Manila Bay, dahil na rin sa patong-patong na reklamo at violations sa dalawang kumpanya ng mina na nag-suplay sa gobyerno.

Pero sambit ni Leones, muli naman daw aarangkada ang operasyon sa look oras na maayos ng Dolomite Mining Corp. at Philippine Mining Service Corp. ang kinasasapitang gusot.

"Kaya natigil, nagkaroon ng problema sa transaction sa private contractor ng dolomite at nagkaroon ng violation ‘yung supplier sa Cebu," paliwanag ng DENR official.

"Kung magkaroon ng available na dolomite, we can still continue because we believe that dolomite is an enhancer of the sand in the Manila Bay."

vuukle comment

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with