^

Occidental Mindoro nilindol ng 5.6 magnitude

Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - October 6, 2020 - 12:00am

Intensity 2 sa Metro Manila

MANILA, Philippines — Niyanig ng may magnitude 5.6 na lindol ang Occidental Mindoro kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Dakong alas-2:16 ng madaling-araw nang maramdaman ang lindol na ang sentro ay 31 kilometro sa timog sila­ngan ng Looc sa nasabing lalawigan.

Umaabot sa 121 km ang lalim sa lupa ng lindol at tectonic ang ugat ng naturang pagyanig.

Bunga nito, naramdaman ang lakas ng lindol sa Intensity 4 sa  Looc, Lubang, Mamburao, Pa­luan, at Sablayan, Occidental Mindoro; Tagaytay City; gayundin sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Nasa Intensity 3 ang tumama sa San Jose, Occidental Mindoro; Roxas, Oriental Mindoro; Intensity 2 naman sa Makati City; Quezon City; Mandalu­yong City; Malabon City; Muntinlupa City; Pasig City, Bacoor City; Las Piñas City; Muntinlupa City; Calumpit at Plaridel, Bulacan; Dolores, Quezon; Carmona, Cavite, at Intensity 1 sa Marikina City; Quezon City; San Juan City; Guagua, Pampanga; Gumaca at Mauban, Quezon; Marilao at San Rafael, Bulacan; at Talisay, Batangas.

Inaasahan ng Phivolcs ang pagkakaroon ng mga aftershocks pero wala umanong inaasahang tsunami. 

 

OCCIDENTAL MINDORO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with