DOH 'tinitimbang' kung seniors, menor pwede lumamyerda kahit pandemya
Makikitang naka-face mask ang mga bata at magulang na ito habang naglalakad noong pumutok ang Bulkang Taal noong Enero 2020
The STAR/Edd Gumban, File

DOH 'tinitimbang' kung seniors, menor pwede lumamyerda kahit pandemya

(Philstar.com) - October 5, 2020 - 7:03pm

MANILA, Philippines — Pag-aaralan daw ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kung papayagan nang lumabas-labas ng bahay ang ilang sakop ng "stay at home" restrictions kontra coronavirus disease (COVID-19).

Ito ang pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, Lunes, kaugnay ng panukala ni Trade Secretary Ramon Lopez na payagang magtungo ng restaurants at malls ang mga 18-anyos pababa at 60-anyos pataas.

"Kailangan lang pong i-weigh natin what would be the advantages and the disadvantages," ani Vergeire sa panayam ng reporters kanina.

"Katulad ng sabi natin lagi, ang vulnerable population natin ang pinakapinapalagaan natin dito sa sakit na ito because we know that there would be more harm for them than the regular non-vulnerable groups."

Sa ilalim kasi ng COVID-19 community quarantine, bawal lumabas ng bahay ang 21-anyos pababa at 60-anyos pataas kung hindi magtratrabaho o kukuha ng pagkain. Epektibo 'yan kahit sa pinakamaluwang na MGCQ areas sa ilalim ng Resolution 43 ng IATF.

Una nang sinabi ng US Centers for Disease Contyrol and Prevention (CDC) na mas mataas ang risk ng mga edad 60 pataas sa "severe illness" kaugnay ng COVID-19 kumpara sa ibang age groups.

Gayunpaman, lumalabas na mga edad 20 hanggang 59 ang karaniwang namamatay sa COVID-19, ayon sa datos na inilabas ng DOH nitong Agosto 2020.

May kaugnayan: Hindi senior: Madalas tablan ng COVID-19 sa Pilipinas 'mas bata' sa iniisip mo

"When the IATF discusses these kinds of proposals, pinag-aaralang maigi 'yan. Pinapakinggan lahat ng sektor: kalusugan, health sector, pinapakinggan din ang business side, pinapakinggan din ang economic sector," dagdag pa ni Vergeire.

"So pag-uusapan po 'yan, magpapakita po tayo ng ebidensya, as well as the DTI of course, they would always have evidences kapag nagpro-propose sila."

Una nang sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) na plano nila itong maipatupad bago mag-Pasko sa Pilipinas kahit sa mga hindi frontliners o bahagi ng Authorized Persons Outside Residences ng gobyerno.

"That could be considered as the next part of the reopening, the widening of the age profile that can go out. That’s where we are heading," ani Lopez sa isang television interview.

"But it will be gradual and systematic. Not all below 18 years old will be immediately allowed."

Kanina lang din nang sabihin ni presidential spokesperson Harry Roque na plano nilang maibalik ang mahigit 70% ng public transportation ng bansa kahit nasa gitna pa ng COVID-19 pandemic ang Pilipinas.

Sa huling ulat ng DOH kanina, tinatayang nasa 324,762 na ang tinatamaan ng kinatatakutang virus. Sa bilang na 'yan, 5,840 na ang binawian ng buhay. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Alexis Romero

CHILDREN DEPARTMENT OF HEALTH IATF NOVEL CORONAVIRUS SENIOR CITIZENS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with