^

Senado maghahain ng hiwalay na kaso vs PhilHealth execs

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 5, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Magsasampa ng hiwalay na kaso ang Senado laban sa mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na hindi naisama ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga kakasuhan na sangkot umano sa anomalya.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, wala namang makakapigil sa kanila kung dudulog sila sa Ombudsman bilang isang body, o kung sasama rin ang Kamara dahil kahit sila mismo ay nagsagawa rin ng malawakang imbestigasyon.

Kabilang sa mga nahaharap sa kaso sa Ombudsman sina resigned PhilHealth chief Ricardo Morales, executive vice president at chief operating officer Arnel De Jesus, senior vice presidents Renato Limsiaco, Jr. at Israel Francis Pargas.

Para kay Lacson, dapat kasama sa makasuhan sina Health Secretary Francisco Duque III at dating PhilHealth senior vice president Rodolfo Del Rosario Jr.

Iginiit ni Lacson, hindi pa tapos ang task force at napilitan lang anya ito na magsumite ng report dahil sa isang buwang deadline na ibinigay sa kanila ni Pangulong Duterte.

Anya, maaaring isamang kasuhan sa second phase ng imbestigasyon sina Duque at Del Rosario.

PHILHEALTH SENADO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with