Bilang ng turista sa Boracay matamlay
Ayon sa Department of Tourism (DOT), nasa 35 turista lamang ang dumating sa unang araw gamit ang ‘air, sea at land travel’. Sa naturang bilang, pito ang nanggaling sa Metro Manila habang ang nalalabi ay mula sa mga katabing probinsya.
The STAR/Miguel De Guzman, file
Bilang ng turista sa Boracay matamlay
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 3, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matamlay ang pagdating ng mga turista sa unang araw ng muling pagbubukas ng bantog na isla ng Boracay pitong buwan makaraang isara ito dahil sa pandemya.

Ayon sa Department of Tourism (DOT), nasa 35 turista lamang ang dumating sa unang araw gamit ang ‘air, sea at land travel’.  Sa naturang bilang, pito ang nanggaling sa Metro Manila habang ang nalalabi ay mula sa mga katabing probinsya.

Bago makatuntong sa isla, kailangan muna ng isang turista na makakuha ng negatibong resulta ng COVID-19 RT-PCR na isinagawa 48 oras bago ang kanilang biyahe, makapag-book sa hotel na may akreditasyon buhat sa DOT at magparehistro sa pagpuno sa ‘health declaration form’ ng pamahalaang lokal ng Aklan sa pamamagitan ng kanilang website.

Inamin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na isang abala ang mga proseso ngunit kailangan para matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng mga turista. 

Tiniyak naman ng kalihim sa mga turista na handa ang isla ng Boracay na rumesponde sa oras na magpakita ang isang turista ng sintomas ng COVID-19.

Para masolusyunan ang abala sa COVID testing, sinabi ni Puyat na umaasa sila na maaaprubahan na agad ng pamahalaan ang paggamit ng mas mura na antigen test na mas mabilis na makukuha ang resulta.

 

BORACAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with