US President Donald Trump, first lady Melania positibo sa COVID-19
Litrato ni US President Donald Trump, na nagpositibo sa COVID-19
AFP/Saul Loeb
US President Donald Trump, first lady Melania positibo sa COVID-19
James Relativo (Philstar.com) - October 2, 2020 - 1:15pm

MANILA, Philippines (Updated 2:24 p.m.) — Kinumpirma mismo ng presidente ng Estados Unidos na tinamaan siya ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19), kasama ang kanyang misis, Biyernes (oras sa Maynila).

Ito ang ibinalita ngayong araw ni US President Donald Trump tungkol sa kondisyon nila ni US first lady Melania Trump sa Twitter ilang minuto pa lang ang nakalilipas.

"Tonight, @FLOTUS and I tested positive for COVID-19. We will begin our quarantine and recovery process immediately," paliwanag ni Trump, na isa sa mga kaalyadong heads of state ng Pilipinas.

"We will get through this TOGETHER!"

Tiniyak naman ng doktor na si Sean Conley na mainam pa naman ang kalusugan ni Trump at magpapatuloy pa rin sa paggampan sa kanyang mga trabaho habang nagqua-quarantine kasama ni Melania.

"[They] are both well at this time and they plan to remain home at the White House during their convalesence," ani Conley.

"I expect the president to continue carrying out his duties without disruption while recovering."

Una nang iniulat ng isang pag-aaral mula sa Cornell Alliance for Science na si Trump ang pinagmumulan ng pinakamaraming misinformation pagdating sa COVID-19 sa buong mundo.

'Yan ay matapos nilang aralin ang nasa 38 milyon artikulo't traditional sa wikang Inggles mula ika-1 ng Enero hanggang ika-26 ng Mayo, 2020.

May kaugnayan: Donald Trump biggest driver of COVID-19 misinformation: study

Kasama ni Trump sina Pangulong Rodrigo Duterte at Brazilian President Jair Bolsonaro sa mga sinisisi ng medical journal na The Lancet sa paglala ng COVID-19 situation sa mundo dahil sa kanilang "medical populism" — o yaong pagmamaliit sa virus, paglalatag ng mga simplistikong solusyon sa komplikadong problema at pagmamalaki sa kanilang "medical knowledge" kahit hindi naman doktor.

Una nang sinabi ni Trump na dapat magkaroon ng research kung gagana ang pag-inject ng disinfectant ng katawan para malabanan ang COVID-19.

Kilala ang marami sa mga supporter ni Trump sa pagmamaliit sa COVID-19 pandemic — ang ilan sa kanila ay ipinangangalandakan na 'wag nang mag-face mask dahil "normal na sakit" lang daw ito gaya ng sipon, ubo at trangkaso.

Estados Unidos ang may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo ayon sa World Health Organization (WHO) sa bilang na 7,115,491.

Una nang binanggit ng American company na Pfizer na malalaman na ngayong Oktubre kung epektibo ang kanilang dine-develop na bakuna laban sa COVID-19.

Isa ang Pfizer sa mga kumpanyang inuugnayan ngayon ng Philippine Department of Health (DOH) para mapagkunan ng bakuna oras na mapatunayan ang bisa nito.

Basahin: COVID-19 vaccine ng US company, masasabing epektibo next month; DOH umuugnay na

DONALD TRUMP NOVEL CORONAVIRUS UNITED STATES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with