Duterte nirerespeto ang boto ng mga kongresista
Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa press briefing kahapon matapos nitong kumpirmahin ang muling pagkikita ng Pangulong Rodrigo Duterte at ni Speaker Alan Peter Cayetano sa Malakanyang noong Miyerkules ng gabi.
STAR/ File
Duterte nirerespeto ang boto ng mga kongresista
Joy Cantos, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

Isyu sa House leadership tapos na

MANILA, Philippines — Nirerespeto umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng mga mambabatas na ibasura ang alok na pagbibitiw ni Speaker Alan Peter Cayetano noong Miyerkules bilang lider ng Kamara.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa press briefing kahapon matapos nitong kumpirmahin ang muling pagkikita ng Pangulo at ni Cayetano sa Malakanyang noong Miyerkules ng gabi.

Kasama ni Cayetano si Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva, Sen. Pia Cayetano at ang misis nitong si Cong. Lani Caye­tano. Nasa pulong din si Sen. Bong Go.

Ayon kay Roque, nire­respeto ni Duterte ang desisyon ng mga mambabatas at kung magkaroon man ng panibagong desisyon sa hinaharap ay hindi siya makikialam.

Pinahayag din ni Ro­-que na sa kanyang pala­­gay ay tapos na ang kontrobersiya tungkol sa House lea-dership batay sa ginawang pagbasura ng Kamara sa pagbibitiw ni Cayetano. “I believe the House controversy is over”.

Ipinapaubaya na   umano ni Duterte ang desis­yon sa House lea­der­ship sa bawat miyembro ng Kamara.

Sinabi pa ni Roque, internal matter para sa House ang pagpili ng liderato. Kahit anya ang Supreme Court ay hindi maaaring makialam.

Matatandaan na pinatawag ni Duterte sina Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco noong Martes sa Palasyo upang pag-usapan ang term-sharing.

Sinabihan ni Duterte si Velasco na sa Disyembre na lang siya umupo bilang speaker dahil tinatalakay pa ang 2021 national budget sa Kamara pero ipinilit umano ni Velasco na sa Oktubre 14 dapat gawin ang palitan ng House leadership.

Noong Miyerkules ay minabuti ni Cayetano na bumaba na sa puwesto at nag-alok ng kanyang pagbibitiw pero kinontra ng 184 solons sa pamamagitan ng nominal voting.

Ito ang kauna-una-hang pagkakataon sa kasaysayan ng kongre-so na may nagbitiw na Speaker of the House ngunit tinanggihan ng mga kapwa mambabatas nito.

Related video:

ALAN PETER CAYETANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with