Lamok, iba pang insekto âdi nakapanghahawa ng COVID-19
Base ito sa isinagawang ‘clinical study’ ng US Department of Agriculture at Kansas State University ukol sa potensyal na pagkalat ng virus sa pamamagitan ng lamok na kilalang nagtataglay at nagpapasa ng isang virus tulad ng West Nile virus, Zika at iba pa, sa tao at maging sa mga hayop.
STAR/ File
Lamok, iba pang insekto ‘di nakapanghahawa ng COVID-19
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Wala umanong kakayahan na ma-kapanghawa ng COVID-19 ang mga lamok sa pamamagitan ng pagdapo o pagkagat nito sa mga tao.

Base ito sa isinagawang ‘clinical study’ ng US Department of Agriculture at Kansas State University ukol sa potensyal na pagkalat ng virus sa pamamagitan ng lamok na kilalang nagtataglay at nagpapasa ng isang virus tulad ng West Nile virus, Zika at iba pa, sa tao at maging sa mga hayop.

Sa kanilang eksperimento, ilang kilalang uri ng lamok na kilala sa pagpapakalat ng sakit at iba pang insekto na nangangagat ang ginamit ng mga siyentista na pinakain ng dugo na hinaluan ng novel coronavirus, SARS-CoV-2.

Dito nadiskubre na hindi kayang mabuhay o magpadami ng virus sa loob ng mga insekto.

“Biting insects do not pose a risk for transmission of SARS-CoV-2 to humans or animals,” ayon sa ulat nila na nalathala sa bioRxiV journal.

Nakatakda pa namang isailalim sa pagsusuri ng ibang mga siyentista o tinatawag na ‘peer review’ ang naturang resulta.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with