Budget deliberations nabitin sa gusot sa Kamara
Dahil dito kaya matapos ang speech ni Speaker Alan Peter Cayetano ay sinuspinde ang plenary deliberations sa 2021 national budget noong Miyekules hanggang kahapon kaya isa’t kalahating araw ng budget deliberations sa gitna ng COVID-19 pandemic ang nasayang sa kanila.
PCOO
Budget deliberations nabitin sa gusot sa Kamara
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naantala lamang umano ang deliberasyon para sa panukalang P4.5 trilion national budget para sa susunod na taon dahil sa gulo sa liderato ng Kamara.

Sinabi ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles, miyembro ng House Committee on Economic Affairs, na ang nominal voting process sa pagbibitiw ni Speaker Alan Peter Cayetano na nag-aalok ng kanyang pagbibitiw ay pag-aaksaya ng “legislative time”.

Dahil dito kaya matapos ang speech ni Caye­tano ay sinuspinde ang plenary deliberations sa 2021 national budget noong Miyekules hanggang kahapon kaya isa’t kalahating araw ng budget deliberations sa gitna ng COVID-19 pandemic ang nasayang sa kanila.

Idinagdag pa ng kongresista na ang nominal voting process para sa motion to reject ang alok na magbitiw ni Cayetano ay hindi nakasaad sa rules ng Kamara.

Sa ilalim umano ng rules na ang pagbibitiw ng isang opisyal ng Kamara ay personal choice nila at walang pakialam dito ang Kongreso at hindi dapat ang plenaryo ang nagdedesisyon nito.

Dahil dito kaya mas pinili umano ni Nograles na hindi mag-participate sa nasabing proseso dahil sa tingin niya kalokohan lamang na pagbotohan ang alok na pagbibitiw ni Cayetano.

“I think, our colleagues did feel that way. You can ask everyone individually about it and you can see of the numbers alone with 299 members, only 180 members responded to the poll and I think that is a very significant number,” sinabi pa ni Nograles.

KAMARA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with