Sen. Poe idinepensa ang tax perks sa airport project
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - October 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idinepensa ni Sen. Grace Poe ang pagbibigay ng prangkisa para sa construction, operations at maintenance ng 2,500 ektaryang airport facility sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Sen. Poe, chairperson ng Committee on Public Services, taum­ba­yan pa rin umano ang may malaking pakinabang sa pagbibigay ng prangkisa  sa pagtatayo ng inter­national airport kahit pagkalooban pa umano ito ng tinawag ng mga kumokontra na sobra-sobra at nakakalulang tax exemptions.

Binigyang-diin ni Poe na ang pagtatayo ng isang bagong paliparan ay hindi lamang tungkol sa kinabuka-san at sa halip ay obligasyon na matagal na dapat ginawa.

Aabot sa P118-bilyon ang tinatayang maililibre sa buwis ng Aerocity project sa loob ng 50 taon na hawak nito ang prangkisa.

Sa sandaling maa­prubahan ang prangkisa ay agad nang sisimulan ang konstruksyon at inaasahang matatapos sa loob ng 12 taon.

Inaprubahan na ng Kamara ang prangkisa at ngayon ay hinihimay naman ng Senado para sa pag-apruba nito.

Inaasahan namang lulutang ang iba’t-ibang advocacy group bago tuluyang maisabatas ang prangkisa.

“Malinaw sa panuntunan ng gobyerno na hindi dapat ikompromiso ang public funds, kinita na o kikitain pa lamang sa pagseguro o pagsuporta sa mga bayarin para sa tax at regulatory compliance ng pribadong negosyo,” pahayag ng Filipino League of Advocates for Good Governance o FLAGG.

GRACE POE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with